Mga boy as you all know, ang inyo pong abang lingkod ay retirado na sa pagiging bolero. Ako na po ang dating pabling at dahil dyan eto ang ilan sa mga
worthy conversation namen ng aking super bait na mother in law. Naway kapulutan nyo ito ng aral ng sa ganun ng kayo ang mapunta sa lugar ko alam nyo na kung anong
gagawin nyo
1. Kahit anong ganda ng inyong mga fiance, lagi nyong sasabihin sa knila na mas maganda ang mga nanay nila. Maniwala kayo makakarating ito sa mga future mother in law nyo.
Di ren makakasama kung magsasama ren kayo ng mg mga tito na malakas ren mambola ng sa ganun ma-affirm na tama nga ang mga sinasabi ninyo.
2. Ang ulam laging masarap basta si Mama ang nagluto.
3. Wag makalimot na magdala ng kung ano mang pwedeng madala sa inyong mag future Mama. Ang una kung balak dalhin sa aking mother in law eh ung aming lumang sofa eh.
Para pag tinanong ako kung bket lumang sofa sabihin ko antic yan mataas ang re-sale value.
4. Pumunta sa shell at bumili ng chocolate brownies o cake at bilhan ang pinaka-close na kapatid ng iyong byenan. Tandaan ang iyong Mama ay makikinig sa mga commento at suhestyon
ni utol. SO kung medyo maganda at mabango kay bunso 60% mabango ka naren kay Mama.
5. Pangakuan ninyo ang inyong mga M-I-Law na ipagluluto nyo sila ng special cooking ninyo. Tandaan ang sabi ko pangakuan niyo lang, wag nyo muna tuparin. Tsaka niyo
na lang gawin kapag medyo galit na sa inyo ang ing mga Mama.
6. I-text ninyo ang inyong mga mother in law ng : "Bket po kayo tumawag?" sigurado magrereply yun, tsaka nyo sagutin "OI namimiss nyo na po kme no?" magrereact yun tska
nyo ngyon sabihan na "sige na nga po namiss na namen kayo"
7. Tandaan ang inyong mga byenan ay ekstensyon ng inyong mga asawa, girlfriend o nililigawan kaya dapat buhusan ninyo ren sila ng tamang pagmamahal at pag-aaruga tulad ng sa inyong mga
iniirog. (Baka kase basahin to ng mother in law ko eh )
8. Pang! Pang ang sabihn nyo imbes na magmura kayo. ng sa ganun tatatak sa knila na iniiwasan ninyo magmura para sa knila
9. Awitan ninyo ang kotse ng inyong mother in law (paging my beautiful mother in law, para sa magiging apo ninyo po).
10 Unahan ninyo silang lumuha sa inyong kasal ng sa ganun ay hindi masira ang kanilang make up. Yun ang tunay na rason kung bket naluluha ang mga lalaki sa kanilang mga kasal
at hindi ung binibintang samen na kesyo tapos na ang aming pagkabinata!
Yan mga boy meron na kayong guide sa kung paano nyo huhulihin ang loob ng mga byenan ninyo. Kailangan naten makuha ang loob ng mga nanay dhil sila ang bahalang magpaliwanag
sa kanilang mga asawa. Gawin nyo lang yan siguradong magkakaron kayo ng isang msaya at magulong relasyon.Maniwala kayo saken! Di ba nga no! APIR!
Pang!
1 comment:
fan na fan mo talga ako! hahaha!!
Post a Comment