Ganito ang pakiramdam ng nagmamahal! Wala ng pride pride, wala ng kung sino ang tama. Ang iisipin mo ng lagi eh kung paano ninyo malalampasan ang isang harang na sa harap mo. Ilang buwan naren akong ganito ang pananaw, kaso minsan napapagod din pala yung taong kasabay mo dito... pero tulad nga ng sinabi ko, saluhan lang talaga yan boy, Saluhan.!
Nung ikaw yung pabitiw andun sya para syo, bigyan ninyo ang mga sarili nyo ng pagkakataon na maparamdam sa mga minamahal nyo na mahal nyo nga tlaga sila na lahat ng pinangako nyo na di ninyo sila iiwan eh hindi pangako lamang!
Boy, kung meron man makakabasa neto na hindi ako kilala eh sanay kapulutan mo to ng aral... dahil ang pag-ibig minsan lang talaga dumating pag nakuha mo to wag mong hayaan lubayan ka pa...
Pre, ang pag-ibig sinasabi ko sayo isa sa pinakamgandang maibabahagi mo sa mundo, kaya ano pang hinihintay nyo ipamahagi nyo ito!
Tangena pagpasensyahan nyo to kung hindi to naayon sa kinasanayan nyang blog mula saken... ganyan ang pag-ibig tatalon ka sa kinasanayan mo para makita ang mundo na sadyang bago sayo... hayaan mo lang at masisigurado ko sa inyo sasaya kayo!
Pang! Pang ! PANG!
No comments:
Post a Comment