Late ka na...
Mahal pa ren kita.
Suplada ka na.
Mahal pa ren kita.
Masungit ka na...
Mahal pa ren kita.
Hindi mo ko paniwalaan.
Mahal pa ren kita.
Sumimangot ka man buong araw.
Mahal pa ren kita.
Subukin mo mang gibain ang tinayo kong munting palasyo.
Mahal pa ren kita.
Kahit ano pa man ang gawin mo
Itulak mo man ako papalayo syo
Makakahanap at makakahanap ako ng daan patungo syo.
Baon ko ang 26 taon ng karanasan na paghihintay at pag-aabang
Wag kang matakot, wag ring mangamba
Nais ko lang makapiling kang muli,
Kahit saglit man lang o kahit sa konting sandali.
Minsan pakinggan mo ang isinisigaw ng puso mo,
Huwag kang maging bulag sa nais at gusto mo...
Huwag kang matakot. Andito na ako. Andito na ako!
Mahigpit kong hahawakan ang mga kamay na sa iyo naren nagmulang tamang tama
Patuloy kong hahawiin ang mga buhok na umiilang sa iyong paningin.
Hindi ko ipagdadamot ang kumot kahit na ako'y mamaluktot.
Hindi man mag-uwi ng karangalan sa kumpetisyon ang tulang ito,
Basta'a mapansin mo lang, yon lang ang aking basehan.
Ang mga letra kung walang kwenta at pakiramdam ay magmimistulan lamang mga dumi sa paningin...
Ibahin mo to, ang mga letrang to binuo ko para lamang mabasa mo...
No comments:
Post a Comment