Lahing Pikutin - (n,phr) samahan kung saan nabibilang ang inyong abang lingkod. isa itong samahang may maraming tagasunod. kinabibilangan ng crush mo (kung babae ka) o ng kinaiinisan mo (kung lalake ka).
hal. Im sorry we're not allowed to disclose our members no, its a secret society eh.
Patawad na Ma - (phr) ito ay isang karaniwang tattoo o marka sa katawan ng mga gago sa lansangan. karaniwan itong makikita sa may kaliwang bahagi sa likod ng isang sigang mama's boy. isa itong pagpupugay sa ating mga ina.
P.U.K.I - Progresibong Unyon ng mga Kalalakihang Inaapi -karaniwang makikitaan ang mga miyembro nito ng mga tattoong "Patawad Na Ma/Hon" o di kaya'y "OO! Uuwi na ko Baby" Recruitment is on-going.
Mga KILALANG miyembro: TATAY MO
Kung-FU - (n) kaibigan mong ang ipinunta sa isang inuman ay ang pulutan. Sila yong mga tipong sinabihan ng kumain muna bago pumunta sa party eh hindi paren ginawa. Mga walang konsiderasyon.
hal. Siguradong may kilala kang ganito, kung wala malamang ikaw ung KUng-FU!, kung-fumulutan ay ulam!
Diabetes/Sakit sa Bato - Sakit ng mga Kung-Fu at ung malakas sa chaser.Kung meron pa kayong gustong malaman na mga bagong salita na tanggap ng lipunan ngunit hindi tanggap ng paaralan, eh sabihin nyo lang no.
No comments:
Post a Comment